An open letter to Mary Jane Veloso's mother from a netizen goes viral

SHARE:

Celia Veloso's anger from the government and the president brings displeasure to the netizens, and an open letter from one of them is on its way to reach her.

Over the last couple of days, netizens were displeased over the accusation of Celia Veloso, the mother of Filipina drug convict Mary Jane Veloso who was temporarily spared from the firing squad by the Indonesian government, against the Philippine President Benigno Aquino III by not crediting him as a big help with the issue and also threw hard words during a press conference arranged by the progressive groups such as Kilusang Mayo Uno and Migrante International.

Celia Veloso's controversial statement showed criticism to the Philippine government for their shortcomings and the President for allegedly taking credit solely on the reprieve given to her daughter Mary Jane.
Dumating na kami dito sa Pilipinas para maningil ng pautang sa gobyerno natin, dahil hanggang sa huli ay niloko pa rin kami. Ibinalita niya sa buong mundo na sa kanila nanggagaling ang pagkabuhay ng anak ko, kaya nakaligtas sa bitay. Hindi po totoo ’yan, wala pong katotohanan ’yon. Kaya humanda kayo ngayon. Nandito kami para lumaban sa inyo, haharapin namin kayo," Celia Veloso said during the press conference.

(We're back in the Philippines to collect debt from our government, because they kept on fooling us until the very end. He [President Aquino] announced to the whole world that it was them that saved the life of my daughter from death. That's not true. There's no truth in it. You [Philippine government] better prepare yourselves. We are here to fight you. We will face you.)

After those strong words from Celia Veloso were spoken out, netizens were surprised that she had no gratitude towards what the government and the president did in this issue. She gained haters, instead of allies. Netizens enraged against her.

Netizen, Lucky Paul Zamora Taruc, shared his understanding of the situation in the case of Veloso's wherein.

Lucky's point of view must have mirrored similar thoughts among netizens and his open letter started to go viral and the subject may read his open letter soon.

His letter's contents have been shared by netizens several times especially in the comments section gaining copious likes and shares.
Open Letter to Mrs. Celia Veloso

Hayaan nyo pong sa inyo ko ialay ang aking unang Bukas na Liham, Gng. Celia Veloso.

Nakikiisa po ako sampu ng sambayanang Pilipino sa kagalakan ng inyong pamilya dahil sa pansamantalang pagkakaligtas ng inyong anak na si Mary Jane Veloso mula sa parusang bitay sa bansang Indonesia. Nawa’y tuluyang maibasura ang hatol sa iyong anak at mapatunayan ang kanyang pagiging inosente kung ito man po ang katotohanan. Alam po ng buong bayan maging ng buong mundo ang kalbaryong sinapit ng inyong pamilya nitong mga nagdaarang linggo dahil sa naging sitwasyon ni Mary Jane. Narinig po namin kayo, narinig po ng milyung-milyong Pilipino ang iyong pakiusap na sana ay tulungan kayong magdasal na maisalba ang buhay ng inyong anak. Marami ang nagdasal. Tumutok. Sumubaybay. At umasa rin tulad ninyo na hindi matuloy ang execution ni Mary Jane. Yun na nga po ang nangyari sa huling mga sandali ng sana’y nakatakdang pagbitay— ligtas si Mary Jane.

Sabi n’yo nga po, ‘totoong may milagro. May milagrong nangyari sa buhay ng inyong anak.’ Kaya naman ang naging trending na ‪#‎SaveMaryJaneVeloso‬ bago ang pagbitay ay naging ‪#‎MaryJaneLives‬ pagkatapos dahil na rin po sa naging takbo ng pangyayari noong mga sandaling iyon. Ang kalungkutan, napalitan ng kagalakan. Ngayon ay may pag-asa nang maabswelto ang inyong anak at makabalik sa Pilipinas at makasama kayo na kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak.

Ngunit sa inyo pong pagbalik dito sa Pilipinas mula sa Indonesia ay para pong may mali. May hindi tama. Lalo na sa inyong mga naging pahayag sa gobyerno. Ano po ang meron? Ano po ang nangyari? Hindi ko maintindihan. Hindi po maintindihan ng napakaraming Piliino na nakakaalam sa istorya ni Mary Jane.

Hindi ako fan ni Pnoy, isa lang po akong mamamayan na marunong makiramdam sa kung ano ang tama at kung ano ang sa tingin ko’y mali. Sa punto pong ito, sinasabi ko po na sa pagkakataong ito, mali po kayo. Maling-mali.

Ano po ba ang naging utang ng gobyerno sa inyo para sabihing kayo ay maniningil? Sinong nanloko? O baka kayo po ay ang siyang nagpapaloko sa mga luku-lukong makakaliwang grupo na nag-brain wash sa inyo upang sabihin ang mga bagay na sa tingin ko’y hindi n’yo naiiintindihan ang kahulugan— tungkol sa naging aksyon ng gobyerno sa naging kaso ng anak ninyo.

Alam n’yo po, sa tingin ko, ang talumpati na inihanda n’yo ay hindi napalitan— na ang talumpating iyan ay ang siya sanang inyong sasabihin ‘assuming’ na natuloy ang execution ni Mary Jane.

Sino po ang gumawa? Sinong hudas ang sumulsol sa inyo?

Bakit ganun? Mali. Maling-mali. Maangas.Walang hibla ng utang na loob.

Hindi po yan ang inaasahan ng marami na marinig sa inyo. Nakakadismaya.

At isa pong paglilinaw, hindi inaako ni Pangulong Aquino ang credit sa pagkakaligtas pansamantala ng iyong anak. Wala pong ganon.

Alam n’yo kung ano ang totoo?

Nawala lang naman sa Facebook at Twitter ang mga sikat na meme at katagang “KASALANAN KO NA NAMAN YAN” ng pangulo. Dahil lahat sila 99.9% kahit yung mga kritiko ni Pnoy ay nagkakaisa sa katotohanang naging malaki ang ginampanan niya upang mailigtas ang inyong anak sa nakatakdang kamatayan.

Maaaring may naging pagkukulang po sa gobyerno sa naging takbo ng kaso sa nakalipas na limang taon pero siguro naman po ay nakita nyo na kahit sa huling sandali ay hindi sila tumigil gumawa ng aksyon mapigilan lamang ang pagbitay. Alam nyo rin po bang hindi sinunod ni Pnoy ang protocol, yun ho yung SOP, o tamang proseso na dapat sundin sa paguusap tungkol sa kaso. Dumiretso na siya kay President Widodo ng Indonesia. Nakiusap. Nagpakumbaba para sa buhay ng isang kababayan. Sabagay, ano nga naman silbi ng protocol kung urgent ang pangangailangan na maisalba ang isang buhay.

At nanay Celia, ang Attorney General na rin po ng Indonesia ang nagkumpirma na ang pakiusap ni Pangulong Aquino ang naging daan upang ipagpaliban ang pagbitay sa inyong anak nang dahil sa iminungkahi ng pangulo na gawing witness si Mary Jane laban sa drug syndicate sa likod ng kasong ito sa kabila na rin ng pagsuko ng illegal recruiter ni Mary Jane na si Kristina Sergio.

Sana nga po sa huli ay mapatunayang inosente si Mary Jane kung iyon po ang totoo at siya ay biktima lamang ng human trafficking.

Gng. Veloso, malayo pa po ang tatakbuhin ng kaso ng inyong anak. Marami pa ang pwedeng mangyari. At sa ayaw nyo po at sa hindi, ang pamahalaan lamang po ang inyong makakapitan (at dasal) sa pagkaktaong ito. Huwag po kayong masyadong lumapit at makinig sa mga taong mahaba ang nguso at kung anu-ano po ang sinasabi sa inyo. Piliin nyo rin po ang mga salitang tatanggapin nyo mula sa kanila. At sana’y sa huli malaman ninyo kung sino ang mga taong tunay ninyong kakampi sa labang ito. Hindi po lahat ay tunay na tumutulong. Dahil ang iba ay ginagamit lamang ang kahinaan ninyo upang kanila namang i-promote ang pansariling interes. Naging biktima na po ang inyong anak, sa pagkakataong ito, huwag n’yo na pong hayaan na kayo naman ang mabiktima sa sitwasyon.

Maraming salamat.

Source: Kicker Daily News, Lucky Paul Zamora Taruc

Loading...

COMMENTS

Name

Entertainment,456,Everywhere,540,Finance,177,Health,371,Local,931,Politics,281,Sport,41,Technology,127,Videos,606,
ltr
item
XOLXOL: An open letter to Mary Jane Veloso's mother from a netizen goes viral
An open letter to Mary Jane Veloso's mother from a netizen goes viral
Celia Veloso's anger from the government and the president brings displeasure to the netizens, and an open letter from one of them is on its way to reach her.
http://4.bp.blogspot.com/-UXDD1HoDQQE/VUS4CR39xkI/AAAAAAAACRQ/r2CampgpPdU/s1600/open-letter-to-celia-veloso.jpg
http://4.bp.blogspot.com/-UXDD1HoDQQE/VUS4CR39xkI/AAAAAAAACRQ/r2CampgpPdU/s72-c/open-letter-to-celia-veloso.jpg
XOLXOL
http://www.xolxol.ph/2015/05/open-letter-to-mary-jane-velosos-mother.html
http://www.xolxol.ph/
http://www.xolxol.ph/
http://www.xolxol.ph/2015/05/open-letter-to-mary-jane-velosos-mother.html
true
735890063477206305
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy